Posts

2nd Laoag, 4th Vigan MMFC North Race 2013, Old Bird Category

Image
Young bird ko sya nung North 2012 sa BFRC, best flight nya is 11th ng Tagudin lap, pagdating ng Tuguegarao nawala sya for 3 months, when she came back mag uumpisa na Summer race ng BFRC, so i decided na i training na rin sya, 4 laps lang ang summer race, clock sya sa 3 laps I thought kakayanin na nya yung Sta. Ana, Cagayan, to my disappoinment dumating sya cutoff na. Sabi ko di pa ko tapos sa kanya hangga't wala sya ginagawa so nilaban ko na naman sya sa MMFC north race as olb bird. Maganda na ginagawa nya kasi nag 2nd sya ng Laoag tapos nag 4th sya sa Vigan, siguro Achilles Heel talaga nya ang Aparri, kasi cutoff na naman sya dun. But this time it's different kasi napansin ko bakit kako laylay yung pakpak nya, it turns out me hiwa yung kili kili nya, kaya pala madami dugo pakpak nya, di ko na sya ni load sa MMFC but i decided na ilaban sya sa auction ng BFRC, 2 laps yun Burgos and Aparri, i was actually surprise na na i clock ko sya ng Burgos, medyo expected ko di na uuwi. L...

4th Ilagan MMFC North Race 2013

Image
This year i tried my luck sa MMFC, pero isang set lang ng 2k kinuha ko, as useless mas madami na naman ako nasayang na ring, dalawa lang na isuksok ko, yung isang yb nagkasakit pa, buti naman umabot ako sa derby. Although i hate my MMFC warrior, wala na ko magagawa, kaisa-isa na lang e. What do i hate about him? His big! Giant nga tawag ko sa kanya, second, barako pa. Anyways nilaban ko sya sa sprint race ng BFRC 3 laps yun, he ended up 10th overall, i won a t-shirt ha ha. Then came MMFC's North derby race. First lap was Cauayan he managed to clock 1,501st, grabe ang layo, di ko makita sa resulta ha ha. Pagdating ng Ilagan he clocked 1st sa Yona, when the official results came out turns out 4th sya sa Ilagan lap. 27th sya sa Vigan, 178th sa Tuguegarao, by this time me kapares sya na nangitlog na. Wednesday pagka uwi ko ng office around 6 p.m. inuna ko pakainin mga flyers ko, then wnet inside the house for a while, pag labas ko i noticed wala sa pugad yung kapares ng MMFC yb ko (...

The Father

Image
     Year 2006 Danny Odon, my soon to be kumpare and mentor asked me kung gusto ko bilin yung breeder nya for P600.00,  syempre naman newbie pa lang ako coming from a champion racer bakit ako tatanggi, he he. As soon as i got the breeder pinarisan ko na agad, eto na yung naging anak. Unfortunately one time ko lang nagamit yung breeder kasi nakita ko na lang nakahandusay sa kulungan yung breeder. Me kaibigan naman ako na humihingi sakin ng kalapati e wala ako mabigay, etong redbar ang binigay ko, siguro mga 1 1/2 months pa lang sya nun napamigay ko sya. After less than a year nabalitaan ko na binebenta daw yung binigay kong red bar, parang nanghinayang naman ako sabi ko ako na lang bibili, ha ha. niregalo ko tapos binili ko ng P400.00 he he. Nung 2007 breed ko sya sa north race ng GWRPA, nanghihinayang ako kasi at that time di pa ko mahilig mag pipicture ng kalapati kaya di ko nakunan yung anak nya, clock sya from Ilagan to Burgos, nung Vigan lap dapat lap winner s...

5th Mcarthur Baby

Image
If you remember, kinuwento ko na sa earlier post ko na nangitlog yung Mcarthur winner ko 2 days bago mag loading ng PHA Mcarthur, eto na sya ngayon. Buti na lang me breeder ako na nakasabay nya umitlog, tinapon ko yung isa pinalit ko, swerte napisa, kuhang kuha kulay ng nanay. Sinuksukan ko ng BFRC North 2013 pero baka stock ko rin.

Shining, Shimmering, Splendid

Image

The Mother

Image
Girl you have given me so much, how can i repay you. Way back in 2006 newbie pa lang ako, on going pa lang yung north race 2006 where eventually i won the ehem, solo championship he he.Vergel Ocampo the president of GWRPA was looking for a number of people na gusto bumili ng kalapati ke Mariano Lee. Pag madami daw kami P2,000.00 lang ang isa, e that time pinaka mahal ko na nabili P500.00 lang ata so medyo takot pa ko bumili, pero to cut the story short  sumama na rin ako bumili. Me kundisyones si Mariano Lee na kung ano lang ibababa nya yun lang ang pwedeng pag pilian, ang taray. Nag draw lots kami kung sino mauuna, trese yata kami napaka bwenas ko pang onse nabunot ko, ano pa nga ba magagawa ko, nung binaba na yung training box, grabe ang gaganda ng kalapati. Eto na pumili na yung una, ganda, pumili yung pangalawa, ang ganda, lintek mamaya na nga ako tumingin nakukuha na mga magaganda e panghuli pako. O eto na, ako na, me tatlong natira, yung isa putol ang paa pipiliin mo ba yu...

5th Placer 2nd PHA McArthur National Race "Peter Yap Cup"

Image
  Wow! What can i say about her, complete clocking from Naga to Catbalogan, 12th overall sa young bird category ng BFRC, lap winner ng Catbalogan, me mahihiling pa ba ko? After the south race nagkaron ako ng problema, sya lang ang pwede kong ilaban sa Mcarthur race ng PHA. Meron akong apat na Mcarthur na hindi ko nilaban kasi gagawin kong stock birds. Yung isang Mcarthur ko na GWRPA hindi naman pwedeng ihagis kasi nung Matnog lap two weeks sya bago naka uwi tapos me malaking injury sya sa likod caused by either a falcon or lawin. Hati rin ang opinion ng mga friends ko, pero most of them are telling me na wag ko na ilaban kasi nanalo na nga. So i decided na i qualify ko na lang muna sya sa Sariaya tapos bahala na kako, anytime naman pwede ko i withdraw.Pag ka clock ko sa kanya nung Catbalogan pinarisan ko na sya thinking na mangingitlog sya before loading ng Mcarthur. Ayun! two days before loading nangitlog ang gaga, ibig sabihin yung second egg nya ilalabas nya sa truck mismo...