The Father
Year 2006 Danny Odon, my soon to be kumpare and mentor asked me kung gusto ko bilin yung breeder nya for P600.00, syempre naman newbie pa lang ako coming from a champion racer bakit ako tatanggi, he he. As soon as i got the breeder pinarisan ko na agad, eto na yung naging anak. Unfortunately one time ko lang nagamit yung breeder kasi nakita ko na lang nakahandusay sa kulungan yung breeder. Me kaibigan naman ako na humihingi sakin ng kalapati e wala ako mabigay, etong redbar ang binigay ko, siguro mga 1 1/2 months pa lang sya nun napamigay ko sya. After less than a year nabalitaan ko na binebenta daw yung binigay kong red bar, parang nanghinayang naman ako sabi ko ako na lang bibili, ha ha. niregalo ko tapos binili ko ng P400.00 he he. Nung 2007 breed ko sya sa north race ng GWRPA, nanghihinayang ako kasi at that time di pa ko mahilig mag pipicture ng kalapati kaya di ko nakunan yung anak nya, clock sya from Ilagan to Burgos, nung Vigan lap dapat lap winner sya, me katangahan lang nangyari sakin, kasi ang sticker na ginagamit namin dati yung binubura ng piso, di ako aware na nagpalit ang GWRPA ng sticker, yung number ang cover pala nya sticker din, kiskis ako ng kiskis sa sticker bakit kako di matanggal, finally kakakiskis ko ng sticker umangat yung takip, leche dami nasayang na oras, pagka clock ako 2nd lang ako, natalo ako ng one point nung lap winner. So after ng Burgos lap naglabas na ng overall nasa 7th o.a. yung kalapati ko at that time, kaya lang days bago mag loading ng Aparri biglang nagsuka ng nagsuka yung yb ko, ayaw ko na isampa, kaya lang sabi ng mga experts ilaban ko daw ayun di umuwi. After nun napamigay ko na naman yung breeder ko ke Onay, after ilang weeks lang ata sabi ko ke Onay parang di ko nakikita yung red bar, binenta daw nya ng P300.00 ha ha, ayus. Last year mag a abroad naman yung nakabili ng kalapati ko, binili ko ulit ng P300.00 ha ha, namuhunan ako sa sarili kong kalapati ng P700.00 ha ha. Last July 2012 i paired him sa emiel ko na black check which produced my 5th Mcarthur baby.
Comments