Reunion Times Two

Me kwento ako tinatamad lang ako i share kasi medyo mahaba na tinakbo ha ha, nung February 2009 tinuturuan ko mga pichon ko pumasok ng loft, after ilang days yung isang pichon ko nag fly away akala ko wala na totally, fast forward to June, magkausap kami ng friend ko sa harap ng loft ko, pag-baba ng mga kalapati ko sa ligid sabi ko me bihag, bakit kako kamukha ng mga ibon ko, tapos same ring, to my surprise sya yung nawala nung pichon pa, after 5 months parang di ako makapaniwala, nawala sya me balahibong pusa pa, around 5 pm dumating naman isa ko kaibigan si Bong me kasamang kupal pwede daw ba bawiin yung bumalik kong young bird kasi me itlog daw, the nerve, kapal ng mukha, nabihag daw nya nung pichon, sabi ko bakit di mo binalik alam naman nya akin yun, me personal ring ko, so in short di ko binalik ano ako sira ha ha, the next day pag gising ko naman, i was so shock kasi si Pacquaio, my GWRPA champ was stolen, sinira yung cage nya, sobrang devastated ako, i posted his picture on facebook sabi ko i will do everything para mabawi ko sya, nag text sakin si Bong yung kasama daw nya kupal nakita nya me dalang kalapati parang si Pacquaio daw, sinetup namin, sabi ko papalitan ko ng dalawang kapalati tapos bigyan ko pa 1, 000.00 ibalik lang, akalain mo ibinalik nga, ayun pinakalbo ko sa baranggay ha ha, thanks Bong he he, yung young bird naman na bumalik sinama ko na sa training ng north to my surprise nakarating sya ng derby nagbubutas nga lang, tapos di na sya naka uwi ng last lap which is Aparri. ok pa rin considering na 5 months sya wala sa loft ko di ba? he he. fast forward to November 2012, ewan ko ba kung bakit naisipan ko ilagay si Pacquaio sa flyer ko, tinistisan ko pa ng pakpak kasi bago na yung loft ko di sya sanay dun, after ilang days aksidenteng nakawala sya, my Belgian Malinois na galit sa mga kalapati ko hinabol si Pacquaio, sa takot nakalipad ayun nawala. After more than one month December 31, 2012 me nagtanong sakin kung akin daw ba yung kalapating nahuli nya more than one month ago, Pacquaio!!! reunited na naman kami!!!ha ha, totoo yung kasabihan talaga, pag sayo sayo, korek? ha ha

Comments

Unknown said…
sir your stories of your pigeon racing /breeding years never cease to amaze me,ang galing!! and so inspiring,,one of this years sir hope to visit you..may you continue to have good journey in our super pigeon sport!!

Popular posts from this blog

Gusto Mo Ba Malaman Kung Ano Gamot Sa Baleleng?

My Program

Overall (GWRPA, SUPRA, BFRC & MMFC)