My Program

Breeding is GOLD, maintenance is silver. I read it somewhere, forgot where but somehow it got stuck on my mind. And it became my guide. Hindi ako nagpupurga, hindi rin ako nagbabakuna. I only use breeder mix both sa breeders and young birds ko. I don't use antibiotics din. Isang beses lang ako magpa loft fly sa umaga pagka gising not because of anything, pero yun lang time ko na pwede magpaligid kasi me work ako, wala ako loftman.

Dami nagtatanong pano daw mag conditioning sa training o derby, kung sa training o derby pa lang kayo mag start mag condition late na kayo. Dapat breeding pa lang nagku condition na. Versele Laga glucose, 3 to 4 times a week ako maglagay sa water, pag training sa arrival. Pag ka pares ko ng breeders sinusubuan ko araw araw ng calcium, yung pang manok mura lang 20 pesos lang ata isa bote nun. Saka Brewer's Yeast sa Mercury nabibili. Saka paminsan minsan b-complex lalo na pag yung hen namimilay pag umiitlog. Pagka pisa ng itlog i wait for 6 days yung pichon naman susubuan ko ng calcium saka brewer's yeast. Stop na ko pag 27 days old na yung pichon. Pag nasa loft ko na mga young birds wala na ko sinusubo kahit ano. 3 to 4 times a week na glucose sa water lang.

Pag dating ng training wala din ako sinusubo kahit ano.Nagpapatikim lang ako ng calcium, brewer's yeast, supra sa last week of training kasi baka mabigla naman yung kalapati sa derby. Sa derby everyday calcium saka brewer's yeast ang sinusubo ko, magandang alternate din wakamoto. Sunday, Tuesday and Thursday supra subo ko and then friday loading b complex. That's it. Breeding and derby same lang gamit ko gamot, supra, calcium, brewer's yeast and b complex lang. Sana makatulong. At the end of the day kayo pa rin ang gagawa ng sariling program nyo. Hahanap kayo ng compatible sa inyo. What works for me might not work for you. Itapon nyo yung tingin nyo basura not everything works. Don't think na kaya kayo nanalo kasi maganda ginamit nyong gamot. Kalapati pa rin magpapanalo. I wrote this kasi sa dami nag tatanong hirap na ko sumagot isa isa. Happy flying!!!

Comments

Anonymous said…
Sir Ping ano pong B complex ang gamit nyo?
at pagdating galing karera ano po ang pinapainom nyo sa tubig. Belgasol po ba? Salamat po. ��
Ping pPantaleon said…
Rhea B Complex gamit ko, glucose lang gamit ko sa water
Anonymous said…
Sir ping until now eto pa rin gamit mo na program or meron ka ng naidagdag since marami ng lumalabas na new products sa market?
Anonymous said…
Good day Sir Ping. Ano po ang criteria nyo para pagparisin ang certain cock sa certain hen para magproduce ng champion. More power po at goodluck sa upcoming races. Thanks po
Unknown said…
Sir isang buo ba yung bigay ng brewers yeast sa mga inakay at flyers?? Salamat po

Popular posts from this blog

Gusto Mo Ba Malaman Kung Ano Gamot Sa Baleleng?

Overall (GWRPA, SUPRA, BFRC & MMFC)