What To Do With Non-Producing Breeders
Pag nanalo ang kalapati mo usually graduate na sila sa race, ginagawa na nating breeders. I was lucky that Pacquaio not only won the championship pero nag produce din sya ng winners. Pero napansin ko di lahat ng winners producer din. In 2008 me anak si Pacquaio nestmate sila, isang cock isang hen. Yung hen nanalo 2nd Overall i named Calbayog Queen, pero yung kapatid nya nabutas ng Sorsogon. After ng race ginawa ko sila parehong breeders. Yung 2nd OA since 2008 hanggang last year wala ginawang maganda lahat ng anak while yung kapatid nya na natalo sa race ilang overall na nabigay sa loft ko.
Naisipan ko what if anak ni Calbayog Queen ang gawin kong breeder, which i did, hindi nanalo sa derby yung apo nya pero nag clock ng Mcarthur race, one point. It's De635's turn naman to be a breeder. The first time i used her nawala ng Legaspi yung anak nya, pero i didn't really care much kasi sa history ng emiel ko walain talaga mga barako. Pero ginamit ko naman breeder yung initlog nya nung Mcarthur loading. And so the apo won the championship, two points. Although De635's daughter placed 12th O.A. sa GWRPA North 2014. I therefore conclude pag ayaw manalo sa breeder na hawak mo try mo gamitin yung anak.
Comments