How Lucky Am I To Experience It Thrice

     The first time I experienced my warrior laying an egg on loading day was with De635, sa MacArthur race pa mismo. Dati when I was just a newbie, pag umitlog training pa lang di na nakakauwi. And veterans would tell me na pag umitlog ng race period mas lalo mahirap. So without any expectations napauwi ko naman si De635 who would place 5th eventually. The second time I experienced this is with Bebe. Bebe was a young bird back in 2014 sa GWRPA. She placed 12th Overall sa North Race. Summer Race of 2016 wala ako mailaban sa derby so I decided to pull out Bebe from my breeder's loft. Akala ko akala din siguro nya retired na sya pero pasensya na sya wala ako mailaban e. Friday loading ng Sta. Ana and last lap na rin umitlog na naman panlaban ko. I said to myself, eto na naman, wala naman ako magagawa kundi i load. Come Sunday everybody learned it was a smash race. Late na naguwian mga kalapati and only around 50 birds lang ata nag clock sa BFRC. Bebe clocked also placing at 14th Overall, Ok lang kahit bumaba pa placement nya as compared sa placement nya nung young bird pa sya, pero what the heck, why do I even question it, complete clocking na nga aside from the fact na nangitlog pa sya nung loading. Namamana pa nga ata kasi mother nya si De635. Like mother like daughter kumbaga.

     But honestly, I didn't think it  would happen again. Medyo pressured na kasi ako dalawa lang young bird ko sa MMFC. Umpisa pa lang na cut off na agad yung barako sa Ilagan, Clock naman yung hen. The following week na cancel ang race sa Vigan dahil sa bagyo. The following week Vigan pa rin daw ang release point ng MMFC. Friday, I came home around 7 p.m. na, my friend na kasama ko mag load nag aalala na akala nya iniwan ko sya kasi gabi na daw wala pa ko tapos di ako sumasagot sa txt. I said I was driving nagmamadali na nga rin ako kasi di pa ko nagpapakain. Lo and behold when I opened my loft, hala me itlog. Na bad trip ako sobra, mura ako ng mura habang papunta kami sa MMFC, pauwi ganun din, di mawala bad trip ko. Sabi ko wala na, Sabi ko pa pag di nakauwi sa Sunday yung kalapati ko di na ko lalaro sa MMFC nahihirapan kasi ako mag load. 

     Sunday morning came, syempre nag abang ako pero ang bigat ng pakiramdam ko, paniwala ko talaga di ako magpapauwi sa Vigan. But I was wrong. Minsan masarap din pala mali ka ng akala. Although second lap pa lang to unlike ke De635 and Bebe na last lap nangyari. I felt the need to write about it kasi I feel it inspires. I hope you got inspired.

Comments

zordyland loft said…
i was inspired idol ping... thanks for sharing your racingpigeon stories..

Popular posts from this blog

Gusto Mo Ba Malaman Kung Ano Gamot Sa Baleleng?

My Program

Overall (GWRPA, SUPRA, BFRC & MMFC)