Mahusay Ba Kung Umuwi Lang Ng Malayo?
Somebody asked "Mahusay daw ba yung kalapati kung umuwi lang yung kalapati sa malayo pero di nanalo?" I answered NO, but I didn't give any explanation. The question garnered quite a few reactions, one comment goes something like this "para sakin magaling na sya kasi newbie ako masaya na ko sa ginawa ng kalapati ko". Exactly! Newbie ka, dumaaan din ako sa pagka newbie. Dati makauwi lang training kalapati ko sobrang saya ko na, Makatuntong lang sa derby sobrang saya ko na. Makapag clock lang sobrang saya na, bakit? hanggang dun ka na lang ba? Question ko naman, Pano mo nasabi mahusay kalapati mo? Ano proof mo? Kasi umuwi ng malayo? How will you grow? Pano ka mag i-improve? Dapat di tayo kuntento sa ok na kasi naka uwi, I remember nung first time ko ma-encounter ang Tacloban race I was so scared kasi wala ako experience sa ganun kalayong race, I went around asking for tips, I wrote them down, tinapon ko yung tingin ko di maganda but i kept the helpful one. Di ako nagpauwi ng Tacloban that year, the next year ganun ulit, I tried to changed what I did the previous year di pa rin ako nag pauwi. Pinag aralan ko yung system na ginagawa ko bakit di ako makapag pauwi ng malayo, then I realized something sa program ko na parang me mali. Nung na correct ko sya I got positive results.
We should not stop learning, saka human nature yun na we try to improve hindi yung kuntento ka lang sa achievements mo no matter how small it is. Pero walang masama kahit baby steps lang gawin mo, ok this year makapag pauwi ka lang masaya ka na, next year walang masama kung mag aim ka na manalo o maka pwesto, Improve, aim high, lakihan mo naman pangarap mo sa pigeon sports.
Comments
I guess these are the few question that we must first answer and addressed before we ask how good is our flyiers. let us not stop learning in this sport! Let us save them from being not able to fly back home. For me, if you enter 10 pigeons in a race and all 10 made home that is a solid mark of a true success....