Stolen Off Color GWRPA Young Bird

     More than a month bago mag start yung training ng GWRPA nanakawan ako. I was hospitalize kasi sobrang sakit ng left side of my tummy which turned out I have gall stones. I was given a high dose of pain reliever that night and I felt OK kinabukasan na ng hapon. It turns out while I was in pain naiwan ko pala loft ko na bukas. Pag silip ko ng hapon halos nalimas ibon ko sa flyer ko. Naospital na ko nanakawan pa, double whammy.

     Akala ko di ko na makikita ulit yung mga nanakaw na kalapati. After a month isa isa nakakabalik yung mga nawala. Mukang tinuturuan sila kasi maiikli yung pakpak nung bumalik. Ang dudungis nila, hawak yata araw araw. I kept wishing my white bar na young bird sa GWRPA sana makabalik. Tuwing umuuwi ako sa office sinisilip ko agad loft kung nakabalik na sya. Ayun nga isang araw nakita ko na lang nakabalik na nga sya, mukang pulubi, payat, maikli pakpak. Sabi ko me one month pa bago mag start derby pwede pa maka recover.

     Nung mga unang hagis late sya umuwi, on several occasions kinabukasan pa nakakauwi. Pero I have faith in him ksi he carries the blood of Paquiao, my solo champion sa GWRPA, sabi ko di basta basta mawawala. Sinali ko sya sa funrace, mabagal lang sya, pero if fairness sa kanya smash yung mga training and he managed to finish 22nd Overall sa Funrace. Today, loading ng GWRPA 1st lap ng derby, my one and only young bird, sana bigyan ako ng magandang laban.

Comments

Popular posts from this blog

Gusto Mo Ba Malaman Kung Ano Gamot Sa Baleleng?

My Program

Overall (GWRPA, SUPRA, BFRC & MMFC)