Lagnat - McArthur Clocker 3rd Peter Yap Cup
Panu nangyari kaya na yung tinatawag ko me lagnat na kalapati ko training pa lang ng south yun pa yung nag clock sa McArthur race ng PHA? Lagi ko nake kwento sa mga friends ko na yung isa young bird ko parang tulala lagi, parang me sakit, kumakain naman kako saka umuuwi sa training. Kaya nung nag clock sya sa Naga and Legaspi nagugulat ako lagi. Nung loading nga ng Sorsogon nahawakan ng kaibigan ko si Lagnat sabi nya me sakit daw, sabi ko wala sakit yan natural na yata sa kanya parang balahibo lang nagpapabigat. Cut off sya dumating ng Sorsogon actually kinabukasan na sya umuwi, Ni load ko ulit ng Allen kinabukasan ulit umuwi, sabi ko di ko na ilo load sa Catbalogan kasi baka wala ako maisali sa qualifying ng McArthur. Fast forward sa McArthur race, kumalat agad balita i think around 5 pm na me 5 na raw nag clock. So syempre medyo nakaka excite sya, ang dami ko kasama sa loft ko. Around 6 pm nagulat kami lahat bigla me nag dive na kalapati, believe me nagkagulo kami tapos malaman laman ko pichon ko lang pala yun nawala ng tanghali, grabe hiyang hiya ako. Me training kami sa talavera for summer race nag load ako ng limang young birds, kinabukasan maaga nakauwi yung apat in fact i won pa sa pooling ng BFRC, pero di pa dumadating yung isa so kulang pako. Around 10 a.m. kasama ko si Onay mag antay, eto na naman me nag dive na kalapati ulit, sobra excited ko akala ko yung Mcarthur ko, false alarm na naman, yung isa ko palang kulang na summer. Sa inis ko sinarado ko na yung loft ko, parang wala na dadating. Kumakain kami ng lunch naman sabi ko ano kaya yung kalapati na yun gusto pumasok sa loft ko, sa sobrang dalas ako na false alarm walang wala sa loob ko na yun na pala yung Mcarthur ko, naglakad ako palapit sa loft ko silip ako ng silip sino ba kako ito nagpipilit pumasok. I was so shocked nung malapit nako dun ko lang na realized na me pauwi na pala ako, ang eng eng ko.
Comments