Para San Ba Yung Off Color?
Para san daw ba yung off-color? Kanya kanya yan. For me, bata pa lang ako mahilig na ko sa off color, pero dati display lang talaga sila. These past few years there was a surge in demand for off color pigeon racing. Suddenly yung pang display lang dati pwede mo na i-race, biglang bigla yung nakakulong lang buong araw sa cages ngayon nakikita mo na nagliligid, much more nahahagis na saka nare-race. I admit yung thrill saka yung challenge kasi is to produce an off color na mananalo sa race. I produced a couple of birds who won in a bird show pero sa race puro finisher pa lang, kaya me konting gigil pa ko. Akala ko ma a-achieve ko na sya this Summer 2019 but my pigeon failed to clock Sta. Ana. I was in Cagayan De Oro for a whole week kaya di ako ang nag alaga sa kanya. Although smash talaga yung race ng Sta. Ana but still iniisip ko pa din kung ako kaya nag alaga that week napauwi ko kaya? I guess I will never know.
But still, happy na rin ako kasi nakauwi pa din. So for me para san yung off color? It's a challenge to create a blood line out of off-colors infused ng winning lines. Not only are you challenge to win a race, parang nagiging doble pa sya kasi gamit ko off-color. Its nice to have goals din na ganito para na i-improve mo not just your program but your blood line as well.
Comments