That One Producer or Golden Pair

     Almost every newbies would ask "Pano po ba manalo?". It is actually very simple yet very tricky and would entail a lot of luck. First, you need to be "blessed" with a producer breeder. Producer yung halos lahat ng iaanak nya either completes a race or better yet, wins a race. E pano ka mabe blessed? Kung nag uumpisa ka pa lang, wala kang pwedeng gawin kundi mag invest, invest means bumili, wag po gift bird. Kung yung bumibili na nga mismo naloloko pa, pano pa yung hiningi mo lang. Once you invested in supposed to be good breeders, the next thing to do is to race the offspring. Wala pong short cut, di nyo po pwede kulitin yung pinagbilan mo na kailangan ang ibigay sa inyo yung mananalo. Kasi kahit na yung champion na mismo binili nyo, di yun guarantee na mag aanak ng panalo. 

     I have experienced multiple times na yung ginamit kong breeder na natalo sa race sya yung nag buga, yung nanalo sa race ang walang na produce. And when you paired pigeons na nakapag produce ng winner, the next step is to pin point kung sino yung culprit, kung sino yung producer talaga. I would advice if naging consistent na na nananalo yung anak, try to pair them with other breeders pero wag ka mag re-race ng wala silang anak. Tingnan mo kung ano performance ng magiging anak nila from other pairing. If both produces a winner, then you have not just a golden pair but a well coveted producer. Pero pag isa lang sa kanila nag produce na iba kapares at least natumbok mo kung sino sa kanila yung gumagawa. I think mas gold para sakin yun producer kesa sa golden pair. Kasi sa golden pair di gagawa anak unless both of the parents are present.

Comments

Popular posts from this blog

Gusto Mo Ba Malaman Kung Ano Gamot Sa Baleleng?

My Program

Overall (GWRPA, SUPRA, BFRC & MMFC)