Hope
What a week! Parang ang dami nangyari me nakaka inis, nakaka frustrate, pero generally masaya pa din naman. Last lap ng GWRPA na and out of all my pigeons yung live ko pa nagka one eye cold. when I came home from work last Tuesday night nagulat ako di kumain yung live ko sa GWRPA, nung hinuli ko nagulat ako magang maga mata nya, Ayaw nya gumaling kahit ano gawin ko, what's worst gumagaan sya almost papunta na ng going light. Pero I have no choice but to load her. I kept thinking sya na lang pag asa ko maka pwesto this year kasi yung live ko sa BFRC barako ha ha, tapos 2 laps pa.
Last Wednesday half day lang sa office, while I was driving sa NLEX naisip ko sige direcho na ko ke Noble bili na ko cages, pagawa ko na loft ko. After ilang years na dilapidated loft ko ayusin ko na. Ginawa sya ng Saturday and Sunday. Natapos loft ko around 4 p.m. Sa dami ng ginagawa ko nawala sa loob ko wala pa pala ako pauwi ha ha. Yung live ko sa GWRPA expected ko na na di kakayanin and tama naman ako, di na sya nakauwi. I have little hope naman sa warrior ko sa BFRC, remember nahuli na sya sa lap ng Ilagan and from what I've heard konti pa lang nagka clock. All my friends na kasabay ko sa loading wala pauwi. My cut off was 4:49 p.m. past 4 na wala pa sya. I even joked sa parents ko maganda na nga kulungan ko wala naman ako pauwi. Parang cue naman biglang me nag dive sa loft ko. It was him. So I guess I'll see you back in Sta. Ana? Please ilaban mo na ko.
Comments